Sobrang lungkot mo na ba?
Pagod ka na bang magalit at kagalitan?
Sawa ka na ba sa takbo ng buhay mo?
Toxic na masyado ng nakapaligid sayo?
Sobrang pressured and stressed sa schoolwork at trabaho?
Feel mo ba na parang nag-iisa ka? Yung tila bang walang willing na sumama at makinig sayo?
Pakiramdam mo bang pabigat ka nalang? Yung pakiramdam mo wala kang dulot?
Sobra ka bang nasasaktan kasi naiwan ka? Yung iniwanan ka ng taong akala mo na magi-stay kung sakaling mawala na ang lahat sayo?
Ayaw mo ng makaranas ng diskriminasyon? Ayaw mo ng mabully at maabuso?
Lagi mo bang nararamdaman na tila wala ka ng pag-asa?
But wait, aware ka bang hindi suicide ang solusyon?
In this blog, hindi ko ii-invalidate yung nararanasan mo since, sino ba ako? Wala akong karapatan humusga at magsalita ng kung ano mang laban sa sa'yo dahil unang-una, hindi ko naranasan maging ikaw. Pangalawa, hindi ko nararamdaman at naramdaman yung mga nararamdaman mo ngayon. BUT BUT BUT, sa blog na 'to, gusto kong maramdaman mo na hindi solusyon ang suicide sa mga problema mo :) 'Wag mong sayangin buhay mo, friend. Problema lang yan! Kaya mo yan! Walang ibibigay sa'tin ang Diyos na hindi natin kakayanin! Always remember na may nag-aantay sa atin na magandang kinabukasan. :)
Kung nararamdaman mo right now yung mga na-mention kong situations, gusto kong ipaalam sa'yo na temporary lang yan! Never mong hayaan na ipagpalit sa mga bagay na temporary lang yung napakahalagang bagay na ibinigay sa atin ng Diyos which is life.
Yes! Napakaprecious ng buhay! Oo, minsan nakakalungkot, nakakadown at nakakapagod pero kung wala yung mga ganung sitwasyon, sa tingin mo ba mag-gogrow ka? Lagi mong tatandaan na ang lahat ng bagay ay may dahilan pati na rin ang mga pagsubok sa buhay dahil ginawa sila para mas maging malakas ka! Again, wala namang pagsubok na ibibigay sa'yo si God kung hindi mo naman kakayanin in the first place e! So laban lang!
If you're really tired of your surroundings, then find a nicer place that fits on you. You have a right to leave those toxic people around you. Do not let others make you a trashcan where everyone throws their garbage at. Do what makes you happy, do what you love. Stop thinking what others may think about you kasi kahit anong gawin mo, tama man o mali, may sasabihin at sasabihin pa rin sila sayo. Think less about them, think more of yourself, it is all about you that matters. Self love, friend.
Love your life! Napakapalad mong tao, bakit? Kasi may buhay ka. Buhay na sana meron ang iba. Napakaraming tao na naghangad mabuhay, yung iba lumuhod, humagalpak sa pag-iyak at nagmakaawa para lang mabuhay pero nakakalungkot dahil hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon at oportunidad na magkaroon nito. So dahil tayo yung nabiyayaan, mabuhay nalang tayo siguro para sa kanila? Kidding aside, 'wag naman tayong bida-bida. Maging thankful tayo kasi hinayaan ng Diyos na mabuhay tayo! We are so blessed, so live this life to the fullest!
So anong karapatan mo? Friend, wala. Kasi in the first place, hindi naman sa'yong buhay 'to e. Kay God 'to! Siya lang at walang iba yung pwedeng kumuha niyan sayo. Be strong! Gaya ng sinabi ko, kaya mo yan! Paano?
'Wag kang mag overthink. 'Wag ka mag-isip ng mga bagay na hindi naman maganda para sa'yo. Kasi sa totoo lang, mamomroblema ka lang sa mga bagay na hindi naman nag eexist!
Do not ever waste your life dahil may napakagandang future na naghihintay sayo kung maniniwala ka lang. Masaya mabuhay! Have a dream! Isipin mo yung pangarap mo. Kung ano yung gusto mong maging ikaw someday at yun yung gawin mo ngayon, reach it. Set your goals and priorities in life. (See my blog about goals http://tiamzonchris.blogspot.com/2018/08/goals.html?m=1 )
Have a friend! You do not need a thousand of friends, you only need one. Isa lang kailangan mo. Yung totoong kaibigan. Yung kaibigang hindi lang go sa saya kundi pati na rin sa lahat ng down moments mo. You deserve that. Deserve mong mapakinggan! Pero kung pakiramdam mong wala talaga, pm mo na ko! Willing makinig sa'yo 'to! Just do not end your life!
Love yourself. Self love naman jan! Huwag puro pagbibigay, magtira ka para sa sarili mo. Kung magmamahal ka, 50:50 sana kayo. Tirahan mo sarili mo, believe me, walang magmamahal sayo ng sobra-sobra kundi sarili mo lang din. 'Wag mag-invest sa mga tao, cause the ones who praised and said good things about you will also be the ones who will bash and put you down.
And syempre most importantly, have faith in God, 'wag sa mga tao. Alisin natin pride natin! Minsan kasi sa sobra nating yabang, hindi na natin alam kung kailan tayo hihingi ng tulong. Kung pagod ka na at sukong-suko ka na, lapit na! Kasi alam mo, inaantay ka lang niya. Willing naman siyang tumulong e, ikaw lang yung hindi lumalapit. Hindi mo lang naman laban yan. Laban niyo yan. Paano mo nga naman maipapanalo yan kung mag-isa ka lang di'ba? Maybe your mountains are too high but never forget that our God is the most high ❤ Hindi ko alam kung anong nararanasan mo ngayon pero again God is there!
Kaya kung nagbabalak ka pa rin, basahin mo muna 'tong mga tanong na 'to:
Tingin mo ba na kapag nagpakamatay ka hindi iiyak nanay at tatay mo?
Tingin mo ba wala lang sa mga kapatid mo?
E yung bestfriend at friends mo? Tingin mo ba hindi nila sisisihin yung sarili nila kasi wala silang nagawa para sayo?
E yung mga taong totoong nagmamahal at may pakialam sayo? Hindi kaya sila malulungkot at hahagulgol?
Si God? He loves you so much. And im sure na malulungkot siya nang husto kung mawawala yung napakagandang masterpiece na ginawa niya.
Sana natulungan kita :)
Kaya bago ka magdecide, pag-isipan mo muna. :)
-Christian James Tiamzon
So inspiring! Thank you po!! God will always prevail we just need to trust him
ReplyDeleteThank you po for reading?
DeleteAlam kong may disclaimer ka sa umpisa but think of it pano kung walang wala na talaga yung tao, paano kung pagod na pagod na talaga siya sa buhay niya? paano kung lahat ng tanong mo sa dulo eh ang sagot niya eh hindi at wala? paano kung di niya na kaya pang mabuhay? hahayaan mo ba siyang tiisin ang mabuhay at masaktan nalang sa bawat araw na buhay siya. Yun bang buhay nga siya pero patay na patay na siya sa loob. "People who commit suicides doesn't want to end their life, they want to end their suffering." Uulitin ko alam kong may disclaimer ka sa umpisa but sometimes we don't need to tell people what they should do kasi iyon ang tama, kasi the more na pinipilit mo silang mabuhay at ipinapaalala sa kanila ang mga bagay na makakasakit sa kaniya kapag nawala siya eh mas mag dudulot sa kaniya yun ng anxiety, anxiety that can lead to that person to be suicidal. This is just my thought. Hindi ako nag comment dito to bash your work. I understand your POV but also understand the POV of those people who are suicidal. Thank you.
ReplyDeleteThank you po for reading. I understand, no worries :)
DeleteIf you need someone to talk to, i am available. I am willing to listen. :)
Delete